Lodi talaga ang dalawang senior citizens na ito dahil pawang hikers lang naman sina Lola Iluminada, 82 years old at Lolo Casio, 83 years old.
Alam niyo bang tagumpay ang pag akyat ng ating mga bidang senior citizens sa magkaibang bahagi ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas?
Kasama ang kanyang mga anak, in-law at dalawang guide, kinaya ni Lola Iluminada sa loob ng 3 araw ang matarik at mabatong daan tungo sa Digos trail, dahilan para naman tagurian siya ng Digos LGU bilang oldest female climber ng Mt. Apo.
Hindi na rin bago kay Lola Iluminada ang hiking matapos una na ring mag hike sa Mt. Ulap at Mt. Pulag.
Samantala, sinabi ni Lolo Casio na wala siyang nararamdamang masama sa katawan kaya’t pinursige niyang akyatin ang Sta. Cruz Trail ng Mt. Apo kasama ang mga guide.
4 na buwang nag training si Lolo Casio na tiniyak ang mga suot at bitbit na gamit para maka abot sa 14.3 km ng Sta. Cruz trail na sinasabing pinakamahirap na trail ng Mt. Apo
Kaya naman si Lolo Casio ay tinagurian naman ng Sta. Cruz LGU na oldest climber ng Mt. Apo.