Nasawi ang 60 taong gulang na babae sa Japan dulot ng brain hemorrhage o pamumuo ng dugo sa utak tatllong araw matapos maturukan ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Pfizer ayon kay Japan health minister Tomohiro Morio.
Paglilinaw ni Morio, hindi nauugnay sa bakuna ang naganap na pamumuo ng dugo sa utak ng nasawing senior citizen dahil pangkaraniwan aniya itong dahilan ng pagkasawi ng mga nasa edad 40 hanggang 60.
Ani Morio, maaaring nagkataon lamang na matapos mabakunahan ang nasabing senior citizen ay nasawi naman ito dahil sa brain hemorrhage.
Samantala, wala pang komento ang mga opisyal ng Pfizer sa Japan kaugnay sa insidente.— sa panulat ni Agustina Nolasco