Patay ang isang senior citizen matapos pagtatagain ng kanyang katrabaho sa loob ng inuupahang bahay sa Lipa City, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Ernesto Calis, 62 anyos, habang natukoy ang suspek na si Antonio Castillo, 45 anyos.
Ayon sa Lipa City Police, nasa loob ng inuupahang bahay sa barangay Malitlit si Calis nang dumating si Castillo na may dalang itak, tatakbo pa sana ang biktima pero pinagtataga na ito sa ulo, mukha at katawan.
Tumakas naman ang suspek subalit sumuko rin sa pulisya kalaunan.
Base sa imbestigasyon, matagal ng may alitan sa trabaho ang dalawa. —sa panulat ni Mara Valle