Sugatan ang isang senior citizen sa Pasay City matapos hatawin ng baseball bat ng isang motorista dahil sa away sa trapiko.
Kinilala ang biktima na si Julian Adlao Jr.
Ayon sa Pasay Police, nag-umpisa ang away matapos niyang businahan ang sasakyan ng suspek habang siya’y nagmamaneho ng motorsiklo.
Nasugatan naman sa kaliwang tuhod at kanang paa ang matanda matapos mahulog sa minamanehong motorsiklo.
Samantala, bagama’t desidido naman ang mga anak ni Adlao na ipaglaban ang kanilang ama ay nagdalawang isip ang biktima na magsampa ng kaso dahil sa kawalan ng pera.