IPINUNTO ni Sen. Christopher “Bong” Go, Chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang kahalagahan ng pag-iingat sa kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang video message sa relief operations ng kanyang team sa Polanco, Zamboanga del Norte, hinimok ni Go ang may 2,000 beneficiaries na bumisita sa pitong Malasakit Centers sa Zamboanga Peninsula sakaling kailanganin nila ang medical assistance mula sa gobyerno.
Bago pa man nahalal na senador, nakatutok na si Go sa pagtulong sa mahihirap sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot matapos itulak ang pagpasa sa Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
Matatagpuan ang Malasakit Centers sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City at Margosatubig Regional Hospital sa Margosatubig, na kapwa nasa Zambonga del Sur; Zamboanga City Medical Center, Mindanao Central Sanitarium, at Labuan General Hospital sa Zamboanga City; Jose Rizal Memorial Hospital sa Dapitan City; at Zamboanga del Norte Medical Center sa Dipolog City, na pawang sa Zamboanga del Norte.
Nagkasa naman ang grupo ng distribution activity sa Polanco Municipal Gym kung saan hinati ang essential workers sa mas maliliit na batch upang makatanggap ng meals, masks, at vitamins habang nagpadala rin ito ng mga bisekleta, sapatos, at computer tablets sa ilang benepisyaryo.
Bukod dito, nagbigay din Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance habang karagdagang supply ng mask ang ipinagkaloob ng Department of Health (DOH).
Kasabay nito, namahagi ang Department of Agriculture ng mga supply ng vegetable seeds habang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) naman ay nagsagawa ng evaluation sa mga posibleng benepisyaryo para sa kani-kanilang mga programa.
Hinikayat naman ni Go ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.
“Mabilis na ang ating vaccination rollout. Pakiusap ko lang sa inyo, kapag nasa priority list, magpabakuna na kayo. Magtiwala kayo sa bakuna, huwag kayong matakot sa bakuna,” panghihikayat pa ni Go.
Bilang suporta ni Go, nagsisilbi ring Vice Chair ng Senate Committee on Finance, nagsagawa rin ito ng iba’t ibang infrastructure initiatives sa lalawigan, kabilang ang pagsesemento sa isang municipal road sa Polanco, konstruksiyon ng multipurpose building, pagpapaganda ng Sunset Boulevard, at barangay roads sa Dapitan City.