Mas maaga nang makakaboto sa eleksyon ang mga senior citizens at mga botanteng may kapansanan.
Pasado na sa kongreso ang panukalang batas na magbibigay daan sa mas maagang pagboto ng mga senior citizens at PWD’s.
Ayon kay COMELEC o Commission on Elections Chairman Andy Bautista, tinutukan ng komisyon ang deliberasyon sa panukalang ito upang matiyak ang maayos na implementasyon.
Tulad ng sa absentee voting, hindi na isasabay sa araw ng eleksyon ang pagboto ng mga senior citizens at PWD’s upang hindi sila mahirapan.
Gayunman, ang kaibahan ay pwedeng bumoto sa lahat ng posisyong pinagtatalunan sa eleksyon ang mga PWD’s at senior citizens.
Hindi ito katulad ng absentee voting na nilalahukan ng mga sundalo, guro, media at iba pa na nasa national positions lamang ang pwwedeng iboto.
By Len Aguirre