Ibinabala ng mga awtoridad ang bagong modus ng mga sindikato ng droga kung saan ginagamit na rin nito ang ilang nakatatanda para magpuslit ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, nauuso ngayon ito sa ibang bansa tulad ng Amerika kaya’t hindi malabo na ginagawa na rin ito sa Pilipinas.
Sinasabing nililinlang umano ng mga senior citizen para magbitbit ng bagahe na may lamang droga habang may ilan na talagang sangkot at nagsisilbing courier.
Batay sa datos ng PDEA noong 2012, aabot sa 1.3 milyong Pinoy ang lulong sa ipinagbabawal na gamot kaya’t masasabi pa ring problema ito ng bansa.
By Jaymark Dagala