Umaasa ang Senior Citizens Party-list group na mapagbibigyan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang apela nila na baguhin ang quarantine rules sa mga senior citizens.
Ayon kay Senior Citizens Party-list Representative Jun Datol, idinulog na nya ito sa house committee on labor at kay Presidential Spokesman Harry Roque para iparating sa pangulo.
Ipinaliwanag ni Datol na 50% ng mga senior citizens sa bansa ang malulusog, walang sakit at wala pang maintenance kaya’t dapat silang payagang makalabas at makapaghanap buhay.
Maaari naman anyang idagdag na requirement sa mga lalabas na senior citizen ang medical certificate upang patunayang wala silang sakit.
‘Yung mga nagpapatakbo ng malaking kumpanya, ‘yung mga bumubuhay sa pamilya, ‘yung wala namang sakit na 70 [years old] below, payagan po nating lumabas,” ani Datol. —sa panayam ng Ratsada Balita