Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga senior citizen laban sa mga kumakalat na text scams kaugnay sa COVID-19 aid.
Ayon sa DTI, nagpapanggap umano ang mga scammer na pinaaalalahan nito ang mga senior citizens kaugnay sa unclaimed COVID-19 assistance.
Pinayuhan naman ng ahensya ang mga senior na huwag pansinin ang naturang mga mensahe at i-block ang number ng mga nagpapadala nito.
Hinikayat rin ng DTI ang mga makakatanggap ng naturang texts na i-report ang mga ito sa National Telecommunications Commission (NTC).