Duda ang Senior Citizens party-list group sa go-signal ng Food and Drug Administration (FDA) para iturok na sa senior citizens ang Sinovac anti-COVID-19 vaccine.
Ayon kay party-list Representative Rodolfo Ordanes, “magkano” ang naisip niyang dahilan sa nasabing hakbangin na maaaring makasama pa sa mga senior citizen at sadyang nakapagtataka ang naging desisyon ng FDA.
Binigyang diin sa DWIZ ni Ordanes na isa lamang ang buhay ng tao kaya’t dapat na matiyak na makakabuti sa kalusugan ang anumang ituturok na bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Magugunitang una nang inirekomenda ang pagturok ng Coronavac sa mga edad 18 hanggang 59.
Kailangan pag-aralan kung ligtas ba ang Sinovac COVID-19 vaccine sa mga senior citize,” ani Ordanes.