Kinakailangang magpatala muna hanggang ngayong araw na ito ang mga senior citizens mula sa Metro Manila na nais magpabakuna samantalang hanggang Abril 5 naman sa mga nakatira sa labas ng National Capital Region.
Ang mga seniors ayon sa DOH ay dapat magparehistro sa kani-kanilang local government unit na inatasan na ring makipag-ugnayan sa nursing homes at kaparehong institusyon at pagbisita sa bahay ng mga may sakit na senior citizens para maiparehistro sila upang mabakunahan.
Una nang ipinabatid ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na sisimulan nila bukas, Abril ang pagbabakuna sa senior citizens bagamat ilan sa mga ito mula sa San Juan, Maynila at Navotas ay nagsimula nang turukan ng COVID-19 vaccine.