Binuksan na ngayong araw na ito ng Department of Education (DepEd) ang customer care service nito kaugnay sa isyu ng senior high school.
Ayon sa DepEd, kailangan lamang tumawag sa SHS o Senior High School help desk kung may katanungan hinggil sa usapin lalo na sa mga magulang na may agam agam pa rin dito.
Ang SHS help desk hotline ay 6671188 at uubra itong matawagan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Ang help desk para sa Senior High School concerns ay magtatagal hanggang June 30.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo Credit: DepEd