Maaaring lumipat sa mga pampublikong paaralan ang mga senior high school student na apektado ng pagpapahinto ng SHS program sa mga state universities and colleges, at local universities and colleges.
Ito ang iniulat ng Department of Education kasunod ng inilabas na memorandum ng Commission on Higher Education na tapos na ang transition period para sa SHS program sa mga SUC at LUC.
Ayon kay Education Undersecretary Michael Poa, maaari rin na kumuha ng voucher program sa susunod na school year ang mga estudyanteng apektado rito.
Pagtitiyak pa ni Undersecretary Poa, papatapusin pa rin ang mga nasa grade 12 pero hindi na tatanggap ang mga SUC at LUC ng mga grade 11 student. - sa panulat ni Charles Laureta