Kinuwestyon ng mga pamilya ng mga political prisoner ang sinseridad ng gobyerno sa pagpapalaya nito sa kanilang mga kaanak mula sa piitan.
Ayon kay Amado Cadano, ama ng political prisoner na si Guiller Cadano, kung seryoso ang gobyerno ay noon pa sana nila pinalaya ang mga bilanggo upang hindi na nagresulta sa pagkamatay dahil sa sakit ng matandang preso na si Bernabe Ocasla.
Binatikos din ni Cadano ang mabagal na aksyon ng Government Peace Panel sa commitment nito na palayain ang lahat ng political prisoners alinsunod sa peace talks sa National Democratic Front of the Philippines.
Maganda anyang pakinggan ang balita na makalalaya na ang mga bilanggo subalit masakit namang tanggapin ang katotohanan na patay na ang isa sa kanila bago makalabas ng piitan.
Binawian ng buhay si Ocasla, 66 na taong gulang noong Nobyembre 28 dahil sa heart attack sa Jose Reyes Memorial Medical Center, sa Maynila.
Kabilang ang matanda sa 130 maysakit na preso mula sa kabuuang 401 political prisoners.
By: Drew Nacino