Nananatili sa Severe tropical storm ang Bagyong Florita habang binabaybay ang hilaga-hilagang-kanluran patungong Isabela, Cagayan.
Namataan ang sentro ng Bagyong Florita sa layong 120 kilometers hilagang-silangan ng Casiguran Aurora na may lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, kumikilos ang bagyo pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na aabot sa 10 kilometers per hour.
Asahan naman na patuloy paring lalakas ang Bagyong Florita habang hinahatak ang hanging habagat na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Sakaling hindi magbago ang kilos ng Bagyong Florita, posible itong maglandfall sa East coast ng Isabela o Cagayan ngayong umaga o mamayang tanghali.
Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals No. 3 sa hilaga at silangang bahagi ng Mainland Cagayan kabilang na ang Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Lal-Lo, Baggao, Peñablanca, Gattaran, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita at ang silangang bahagi ng Isabela kabilang na ang Maconacon, Divilacan, at Palanan.
Signal no. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Silangan at gitnang bahagi ng Nueva Vizcaya kabilang na ang Kayapa, Ambaguio, Solano, Villaverde, Bagabag, Diadi, Quezon, Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, at Alfonso Castaneda.
Signal no. 2 din ang Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet kabilang na ang Bakun, Kibungan, Buguias, Kabayan, Mankayan, Bokod, at Atok.
Sakop din ng Signal no. 2 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora kabilang na ang Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, at Maria Aurora.
Samantala, Signal no. 1 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, La Union, Pangasinan, silangang bahagi ng Tarlac kasama na ang San Clemente, Camiling, Moncada, San Manuel, Anao, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Ramos, Pura, Victoria, La Paz, City of Tarlac, at Concepcion.
Signal no. 1 din ang Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Aurora, silangang bahagi ng Pampanga, silangang bahagi ng Bulacan, silangang bahagi ng Rizal hilagang bahagi ng Quezon Province kabilang na ang Polillo Islands, hilagang bahagi ng Laguna at Camarines Norte.