Wala pang nakikitang senyales si Congresswoman Leni Robredo na makakatulong para makapagpasya siya kung tatakbong Vice Presidentiable ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Ayon kay Robredo, hindi pa niya nararamdaman ang hinihinging palatandaan sa yumaong asawang si dating DILG Secretary Jesse Robredo kung tatakbo sa mas mataas na posisyon o hindi.
Una nang humingi ng tatlong linggo si Robredo kay Roxas para makapag-desisyon kung tatakbong katandem nito sa 2016 dahil kukunsultahin pa niya ang kaniyang mga anak.
By Judith Larino