Lumilitaw na ang senyales na i-e-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presidential bid ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte kahit wala pang napupusuan ang kanyang ama sa kabila ng pakikipag-pulong nito kay Marcos kamakailan.
Ayon sa nakababatang Duterte, ang endorsement ng PDP-Laban ay isa sa mga malinaw na senyales at umaasa siyang susunod na magpapahayag ng suporta ang pangulo, na chairman ng partido.
Aminado naman ang bise alkalde na kung siya ang tatangungin, mas nais niyang i-endorso ni Pangulong Duterte si BBM Dahil sa pangunguna nito sa mga voter preference survey, lalo sa Davao City.