Nakikita na sa bansa ang mga senyales ng transition ng COVID-19 Pandemic patungo sa Endemic stage dahil sa mas mabuting sitwasyon sa Healthcare Utilization Rate at bumababang bilang ng cases.
Ayon sa Infectious Disease Expert na si Dr. Edsel Salvana, miyembro ng government Vaccine Expert Panel, unti-unti ang proseso at hindi madali ang transisyon sa Endemic stage.
Gayunman, base anya sa mababang healthcare utilization rate at bagong kaso ng COVID-19 na na i-uulat, maaaring patungo na ang bansa sa nasabing estado.
Ipinaliwanag ni Salvana na sa bawat araw na bumababa ang cases, isa naman itong hakbang patungo sa Endemicity.