Nagpaabot ng tulong ang fan group ng sikat na Korean actress na si Seo Yea Ji sa ginawang relief drive ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo para sa mga nasalanta ng mga nagdaang sakuna.
Sa official Facebook page ni Robredo, makikita ang saku-sakong donasyon ng fan group na Seo Yea Ji Philippines na naglalaman ng mga bigas, de lata, at iba pang uri ng relief goods.
Dahil dito, nagpasalamat ang tanggapan ni Vice President Robredo, at sinabing malaki ang maitutulong ng naturang donasyon partikular sa muling pagbangon ng ating mga kababayan na pinadapa ng mga nagdaang kalamidad.