Aabot sa 5,132 cases ang idinagdag ng Department Of Health sa kanilang Setyembre 8 COVID-19 tally.
Ayon sa DOH, nagkaroon ng technical issues kaya’t hindi napabilang sa report noong Miyerkules ang mahigit P5K additional daily cases.
Dahil dito, sumampa sa 17,883 ang daily COVID-19 cases noong Setyembre 8 sa halip na 12,751.
Nasa 20,192 naman ang gumaling noong Miyerkules makaraang madagdag ang 41 recoveries.
Katuwang ng DOH sa pagresolba sa nasabing issue ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamamagitan ng kanilang COVID kaya data system.—sa panulat ni Drew Nacino