Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buwan ng Setyembre bawat taon bilang ‘Philippine Bamboo Month’.
Batay sa Proclamation 1401 na nilagdaan kahapon, dapat alahanin ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kawayan bilang materyales sa paggawa ng kagamitan at pagkain.
Inatasan naman ng pangulo ang lahat ng ahensiya, government-owned and controlled corporations, state universities and colleges, LGUs, non-government organizations, civil society groups, at pribadong sektor na magsagawa ng programa tuwing setyembre bilang suporta sa Philippine Bamboo Month.
Kabilang ang bamboo sa walong priority clusters ng Department of Trade and Industry kasama ng kape, kakaw, fibre, prutas, mani, regalo, dekorasyon at kasuotan.