Pinaghahandaan ng Serbian Tennis Star na si Novak Djokovic ang pagsabak niya sa 2017 Mexican Open sa Acapulco.
Ito ang unang torneyo ng tennis world number two makaraang matalo siya ni Dennis Istomin ng Uzbekistan sa ikalawang yugto ng Australian Open noong isang buwan.
Aminado ang dating world number one na pinakalugmok niyang pakiramdam ang pagkatalo niya sa Melbourne.
Ngunit nangako si Djokovic na babawi siya sa Acapulco ngayong mas maganda na ang kanyang pakiramdam kumpara sa mga nakalipas na buwan.
By Avee Devierte