Siniguro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy ang kanilang operasyon matapos ipatupad ang Alert level 3 sa Metro Manila.
Nangako ang BSP na magpapatuloy ang kanilang mandato sa pagtataguyod ng presyo at katatagan ng pananalapi maging ang ligtas at maayos na sistema ng pagbabayad sa gitna ng pandemya.
Ayon sa BSP, mananatili ang kanilang serbisyo sa mga kliyente kasabay ng pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga bank personnel at customers.
Hinimok naman ng BSP ang publiko na gumamit ng E-banking at digital payment services para sa mas ligtas at episyenteng financial transactions. —sa panulat ni Angelica Doctolero