Nagpalabas ng abiso ang kumpaniyang Globe Telecom sa kanilang mga subscribers partikular na sa bahagi ng Quiapo at kalapit na lugar sa Maynila.
Ayon kay Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe Telecom, apatnapu’t walong (48) oras nilang papatayin ang kanilang signal sa lugar bilang pagsunod sa kautusan ng NTC o National Telecommunications Commission.
Ito’y bilang pagtugon naman sa naging kahilingan ng PNP o Philippine National Police kasunod ng nangyaring kambal na pagsabog sa naturang lugar noong Sabado ng gabi.
Gayunman, nangako ang Globe Telecom na agad nilang ibabalik sa normal ang serbiyso sa kanilang mga subscribers sa lugar sa sandaling magpalabas na ng abiso ang NTC.
Kasunod nito, humingi ng pang-unawa ang Globe sa kanilang mga subscribers sa pansamantalang suspensyon ng kanilang serbisyo sa mga apektadong lugar.
By Jaymark Dagala
Serbisyo ng Globe sa bahagi ng Quiapo dalawang araw na mababalam was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882