Mapapasok na rin ng serbisyo ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na Grab ang lungsod ng San Jose del Monte (SJDM) sa lalawigan ng Bulacan.
Ito’y matapos lumagda ng memorandum of understanding sina San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes at Grab Philippines President Brian Cu kasama si SJDM Rep. Rida Robes.
Dahil dito, maaari nang makuha ng mga taga SJDM City ang iba’t ibang serbisyo ng Grab tulad ng GrabTrike, GrabFood at GrabExpress simula sa Marso ng taong ito.
Ayon kay Mayor Robes, malaki aniya ang maitutulong ng pagpasok ng Grab Philippines sa tuloy-tuloy na progreso ng kanilang lungsod.
We’ve put technology and innovation at the heart of our projects. By partnering with a service provider like Grab, we are able to give our constituents access to the most modern conveniences,” ani Mayor Robes.
Kasunod nito, nagkaloob din ang Grab ng 100 “No Parking” signs sa lokal na pamahalaan ng lungsod upang makatulong sa inisyatibang paluwagin ang daloy ng trapiko sa lugar.
The partnership is a significant step in our goals of becoming a digital-ready city while remembering our city’s rich history and recognizing the deep traditions of our people,” dagdag pa ni Mayor Robes.
San Jose Del Monte is a fast-growing city, and we need partners who are willing to take on the challenge with us. We need increased accessibility to and from our city and we think Grab can help us deliver various mobility solutions to San Joseños,” ani Rep. Rida Robes, Vice Chairman ng House Committee on Transportation.
Inaasahan namang makapagbibigay ng libu-libong trabaho sa mga residente ang presensiya ng Grab.
Higit sa lahat, nais ng tinaguriang power couple ng SJDM na makipag-ugnayan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa posibilidad ng operasyon ng TNVS sa lungsod.
It’s the long-time prayer of many of our people. We hope that the LTFRB green lights this soon,” ani Rep. Robes.
Ikinagalak naman ni Grab Philippines President Brian Cu ang pagpasok ng Grab services sa SJDM.
I am humbled and excited that this partnership is the start of many more meaningful synergies between Grab and the City Government of San Jose Del Monte,” ani Cu.
Bilang bahagi ng kanilang partnership, ang Grab at ang pamahalaang lungsod ng SJDM ay magsasagawa ng hyper-localized mapping system sa lungsod.
Ito ay tutukoy sa mga mahahalagang points-of-interest sa mga komunidad at makatutulong na mapaunlad ang accuracy and efficiency sa paghahatid ng public at commercial services sa kanilang mga residente tulad ng food delivery, parcel delivery, at pick-up and drop-off points.
At bilang tugon sa Philippine data privacy laws ay magbabahagian din ang Grab at ang San Jose Del Monte ng relevant data sa updated base map o satellite imagery ng SJDM.