Maliban sa limitadong kapasidad, limitado na rin ang serbisyo ng Philippine General Hospital (PGH).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario, hindi nila mabuksan ang iba pa nilang pasilidad dahil kinukulang na sila sa tao.
Sa ngayon aniya ay mayroon silang 20 COVID-19 patients at nasa halos 700 ang non-COVID-19 patients.
Humingi naman ng pang-unawa si Del Rosario sa iba pang mga ospital at maging sa publiko ngayong puno na ang ilan sa kanilang pasilidad.