Naibalik na ang serbisyo ng tubig sa Cavite at Las Piñas City na naputol ng halos 24 oras.
Ayon sa anunsyo ng Maynilad, naayos at pinagana na nila ang 1.4 meter valve na nasira na naging dahilan ng water interruption.
Muling humingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga residenteng naapektuhan ng halos isang araw na kawalan ng tubig.
Dahil dito, bilang konsiderasyon ay hindi na muna itinuloy ng Maynilad ang nakatakda sanang water service interruption na makakaapekto sa ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor, Cavite City, Imus City, Kawit, Noveleta at Rosario.
—-