Tiniyak mismo ni Vice President Sara Duterte na magpapatuloy pa rin ang kanyang serbisyo at ng kanyang tanggapan, sa kabila ng pagbaba ng kanyang approval at trust ratings.
Ayon pa sa bise presidente, mas palalakasin pa niya ang mga proyekto ng Office of the Vice President para sa mga Pilipino.
Batay sa Pulse Asia survey, nakakuha si VP Sara ng 50% na approval rating, mula sa 60% noong Setyembre.
Bumaba rin ang kanyang trust rating sa 49%, mula sa 61%.