Nanganganib maapektuhan ang kakayahan ng gobyerno na magbigay ng serbisyo-publiko sakaling putulin nito ang ugnayan sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, miyembro ng Board of Governors ng PRC, bilang First Responder, ang Red Cross ang katuwang ng gobyerno pagdating sa mga emergency situation.
Kahit anya sa giyera kontra droga ng pamahalaan ay may naitutulong ang Red Cross.
Magugunitang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil niya ang pakikipag-transaksyon ng gobyerno sa PRC kung hindi ito papayag na sumailalim sa isang state audit.
Ito’y sa gitna ng imbestigasyon ni Senate Blue Ribbon Committee at Red Cross Chairman Richard Gordon sa umano’y iregularidad sa paggamit ng COVID-19 funds ng gobyerno. —sa panulat ni Drew Nacino