
Sa ikalawang pagkakataon, muling nakaagapay ng SMFI o SM Foundation Incorporated ang DWIZ sa pamamagitan ng programang Barangay 882, para ibalita ang medical missions nito para sa mga Pilipino sa kabila ng hamon ng pandemic.

Sa ikalawang pagkakataon, muling nakaagapay ng SMFI o SM Foundation Incorporated ang DWIZ sa pamamagitan ng programang Barangay 882, para ibalita ang medical missions nito para sa mga Pilipino sa kabila ng hamon ng pandemic. From left to right (Gilbert Perdez, Host, Brgy882 program, Ms. Connie Angeles, SMFI Executive Dir. for Health and Medical Programs, Ms. Neny Regino – PR consultant & Media Relations Director, SM Foundation Incorporated, Dr. Bless Bertos, Resident Physician, SMFI, & Mr. Marvin Estigoy – VP for Sales&Marketing, DWIZ 882/Home Radio 979)
Pinaigting ng SM Foundation Incorporated (SMFI) ang mga serbisyo sa mga medical health centers sa ilang komunidad sa bansa sa pamamagitan ng kanilang health and medical programs.
Ito ay sa kabila ng kakulangan ng healthcare facilities at services sa bansa na pinatindi pa ng kasalukuyang krisis sa COVID-19 pandemic.
Naglaan ang SMFI ng limang mobile clinics para tugunan ang diagnostic at services sa iba’t ibang komunidad.
Dahil dito, libreng makakakuha ng mga serbisyo tulad ng chest X-ray, ECG, ultrasound, urinalysis, bone density scanning, fasting blood sugar, random blood sugar, cholesterol determination, at dental services.
Ayon sa SMFI, umabot sa 1,535 medical mission ang naisagawa kung saan nasa 1,190,187 na indibidwal o pasyente ang natulungan ng naturang programa.
Nabatid na nagsimula ang kauna-unahang medical mission ng SMFI noong 2001.