Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang serbisyo ng transmission line sa binombang tore nito sa Lanao Del Norte.
Ayon sa NGCP, napagana ang transmission line na nagseserbisyo sa Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, at ilang bahagi ng Lanao Del Norte kaninang madaling araw.
Sinabi pa nito na agad sila naglatag ng Emergency Restoration System (ERS) para maibalik ang naapektuhang linya.
Pinasalamatan naman nito ang mga line personnel na nagsagawa ng restoration activities gayundin ang tulong ng pnp at ng AFP para masiguro ang seguridad sa lugar at kaligtasan ng mga residente
Magugunitang, nagdulot ng power interruption ang pagbagsak ng Tower No. 8 ng linya Baloi sa Brgy. Bagombayan, Kauswagan, Lanao De Norte kahapon matapos pasabugin nang mga hindi pa kilalang salarin.