Kinansela na ni Pope Francis ang tradisyunal na seremonya na naghuhudyat ng pagsisimula ng kapaskuhan sa Rome, Italy tuwing December 8.
Ayon sa Vatican, ito ay upang maiwasan ang pagtitipun-tipon ng mga tao bilang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19.
Batay sa nakagawiang tradisyon, nag-aalay ng bulaklak ang Santo Papa sa ibaba ng 12 metrong haligi ng Spanish steps kung saan makikita ang Statue Of Madonna at nag-aalay ng dasal.
Sa halip naman na gawin ito, magsasagawa na lamang ng private service si Pope Francis upang ipagdasal ang Vatican City, mga residente nito at lahat ng mga may sakit sa buong mundo.
Una na ring inanunsyo ng Vatican na lilimitahan lamang ang bilang ng mga maaaring sumama sa tradisyunal Christmas eve kabilang ang Urbi Et Orbi o blessing and message.