Pasok na sa finals ng Wimbledon si number one seed Serena Williams.
Ito ay makaraang talunin ni Williams si Russian Tennis Star Maria Sharapova sa iskor na 6-2, 6-4.
Dahil sa naturang tagumpay, pumangatlo si Williams sa may pinakamaraming panalo sa Wimbledon na may 279 wins.
Makakatapat sa finals ni Williams si ranked number 20 Garbiñe Muguruza ng Spain.
Kumpiyansa naman si Williams na maipapanalo nito ang naturang torneo at muling maiuuwi ang kampeonato.
By Ralph Obina