Laglag na sa unang round pa lamang ng Miami Open si 23-times grand slam champion Serena Williams.
Ito ay matapos siyang idispatsa ni Indian Wells champion Naomi Osaka sa iskor na 6-3, 6-2.
Ayon sa 20-anyos na Japanese tennis player, sobrang kaba ang kanyang naramdaman habang nasa gitna ng court lalo’t paborito niyang manlalaro si Williams.
Sinabi nito na isang katuparan na makalaban at matalo ang tinitingala niyang si Williams.
Ang laban kontra Osaka ang ika-apat na laban ni Williams magmula nang magbalik ito sa paglalaro pagkatapos na ipanganak ang panganay niyang baby.
—-