Ipinahiwatig ni dating World Number One Serena Williams ang nalalapit niyang pagbabalik sa tennis.
Sa kanyang Instagram account, nagpost ng larawan si Williams ng suot suot niyang ginto at puting tennis shoes at may caption na “Be excited. Be very excited.”
Matatandaang nawala pansamantala sa tennis scene si Williams matapos itong magbuntis at maipanganak noong Setyembre ang kanyang sanggol na si baby Alexis.
Matatandaang noong nakaraang taon lamang ay nasungkit ni Williams ang kanyang ika-23 grand slam singles title sa Australian Open.
—-