Nakabalik na sa top ten ng tennis rankings si dating world number one Serena Williams.
Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa top ten si Serena magmula nang manganak ito.
Matatandaang bumagsak sa ika-491 ang ranking ni Williams magmula nang bumalik ito sa paglalaro noong Marso ng nakaraang taon matapos manganak.
Malaking bagay sa pagbabalik sa top 10 ni Williams ang pagpasok nito sa dalawang grandslam finals.
—-