Pasok na sa finals ng Australian Open si World Number One at defending champion Serena Williams.
Ito ay matapos idispatsa nang walang kahirap-hirap ni Williams ang kalabang si Agnieszka Radwanska sa iskor na 6-0, 6-4.
Tumagal lamang ang salpukan nina Williams at Radwanska ng 64 na minuto.
Dahil dito, buhay na bahay ang pag-asa ni Williams na masungkit ang ika-pitong kampeonato nito sa Australian Open at ika-22 grand slam title nito.
Makakaharap sa finals ni Williams ang sinumang mananalo sa pagitan nila Johanna Konta ng Britanya at Angelique Kerber ng Germany.
By Ralph Obina