Pasok na sa finals ng Wimbledon si dating World Number One Serena Williams.
Ito ay matapos niyang pataubin ang kalabang si Georges ng Germany sa iskor na 6-2, 6-4.
Dahil dito, isang hakbang na lang si Williams para masungkit ang ikawalo niyang Wimbledon title.
Makakaharap naman ni Williams sa finals ang isa pang German na si 11th seeded na si Angelique Kerber.
—-