Nakabalik sa top 30 ng WTA si Serena Williams matapos itong umakyat ng 153 spot nang magtapos siyang runner up sa torneo.
Ito pa lamang ang ika-apat na pagkakataong naglarong muli si Willliams matapos itong manganak.
Nakaabot pa ng finals si Williams bago ito yumukod kay Angelique Kerber ng Germany at makuha ang 28th rank sa WTA.
Pumang apat sa ranking si Kerber, samantalang nanatili sa numero uno si Simona Halep.
—-