Binigyan ng parangal ng grupong Movement Against Tyranny si on leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang aktibidad ngayong Araw ng Kagitingan kung saan kanilang kinilala ang mga indibiduwal at grupong nagpakita ng katapangan sa kani-kanilang mga larangan.
Ayon sa Movement Against Tyranny, nagpakita si Sereno ng katapangan sa pakikipaglaban nito para sa independence ng hudikatura sa kabila ng mga hakbang para patalsikin siya sa puwesto.
Kasama naman ni Sereno na binigyan ng pagkilala ang aktibistang si Joanna Cariño ng Sandugo at ang grupong Rise Up for Life and for Rights.
Sereno dumating na sa “Araw ng Kagitingan “event ng Movement against Tyranny @dwiz882 pic.twitter.com/wT5xIRdtPK
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) April 9, 2018
NGAYON: Sereno nagbibigay ng talumpati sa ‘Movement Against Tyranny’ event sa Quezon City para sa Araw ng Kagitingan.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 9, 2018
—-