Hindi tatakbo sa anumang posisyon si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa 2019 national elections.
Ito ang inihayag ng isa sa mga abogado ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao.
Ayon kay Lacanilao, sinabi ni Sereno na sa kanyang palagay ay mas magiging kapakina-pakinabang siya sa labas ng Senado.
Nais na lamang aniya tutukan ng dating mahistrado ang pagtataguyod sa mga pagkilos para sa hustisya at pagkilala sa karapatan, pagbibigay proteksyon sa konstitusyon at pagtatanggol sa mga mahihina at naaapi.
Magugunitang, matapos mapatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition, nagpahayag si Sereno ng pagiging bukas sa pagtakbo bilang senador.
Gayundin ang Liberal Party sa pagsasama kay Sereno sa kanilang senatorial line up.
—-