Itinakda ng House Justice Committee sa Nobyembre ang susunod na hearing sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Congressman Reynaldo Umali, Chairperson ng naturang komite, itutuloy nila ang pagdinig sa inihaing reklamo laban sa Punong Mahistrado pagkatapos ng Halloween break.
Matatandaang, idineklara ng Kamara sa kanilang pagdinig noong nakalipas na linggo na “sufficient in grounds” o may sapat na batayan ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay CJ Sereno.
Inaakusahan ni Gadon si Sereno ng umano’y culpable violation of the constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.
—-