Ia-apela ng kampo ni Ma. Lourdes Sereno ang desisyon ng Korte Suprema na pagbigyan ang quo warranto petition na nagpapawalang bisa sa kanyang ‘appointment’ bilang punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno, maghahain sila ng Motion for Reconsideration o MOR sa desisyon na umano’y nagtakda ng ‘precedent’ para sa pagpapatalsik sa mga impeachable officials.
Giit pa ni Cruz, nagsimula ang pagpapatalsik kay Sereno nang labanan nito ang madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, umaasa ang kampo ni Sereno na mababaliktad pa rin ang desisyon lalo pa’t naging dikit ang botohan sa bilang na 8 – 6.