Nakatakdang pangunahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang en banc session ng Korte Suprema sa Biyernes, Mayo 11, ang araw kung kailan inaasahang pagbobotohan na ng mga mahistrado ang quo warranto petition laban sa kanya.
Ito ang inihayag ng tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao, kasunod na rin ng pagbabalik sa trabaho ng punong mahistrado ngayong araw matapos ng mahigit dalawang buwang wellness leave.
Gayunman nilinaw ni Lacanilao, mag-iinhibit pa rin si Sereno oras na talakayin na sa en banc session ang quo warranto petition laban dito.
May en banc session sa May 11, I’m not liberty to say kung ano ang agenda noon. Matutuloy ang meeting na iyon ng en banc and she wants to be there, she will be there. Mag-iinhibit siya siyempre kapag pag-uusapan ang quo warranto. Pahayag ni Lacanilao
Si Sereno ay nagreport na sa kanyang tungkulin at sinabing dumating sa Korte Suprema dakong ala-siyete y medya kaninang umaga at umalis din pagsapit ng alas-onse ng umaga para dumalo sa isang okasyon.
Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Carlo Cruz, legal counsel ni Sereno, handa na ang punong mahistrado na harapin ang mga nag-aakusa sa kanya sa senado na tatayo naman bilang impeachment court ngayong nakabalik na ito.
She’s ready to face her accusers in the Senate sitting as an impeachment court to defend herself and tell the Filipino people the other side of the story, which is the truth. Now that the purpose of her leave of absence has been served, Chief Justice will resume perform her constitutional mandate and discharging the responsibilities as head of the judiciary. Her return to our office is in full consonance with our constitution. Paliwanag ni Cruz