Posibleng mapaaga pa ang paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa inihaing quo warranto petition ng Office of the Solicitor General o OSG laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Ito’y makaraang itakda ng High Tribunal sa susunod na Biyernes, Mayo 11 ang botohan ng mga mahistrado mula sa orihinal nitong petsa na Mayo 17.
Kasabay ng isasagawang botohan, nakatakda ring ilabas ng mga mahistrado sa Mayo 11 ang kani-kanilang mga opinyon kaugnay ng naturang kaso.
Isasagawa ang special en banc session ng mga mahistrado sa nabanggit na petsa o ilang araw bago tuluyang magbalik sesyon ang mga mambabatas mula sa kanilang Lenten break sa Mayo 14.
(With report from Bert Mozo)