Tinawag na “hudas sa bayan” ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagpapatuloy ng impeachment hearing ng Kamara laban sa Punong Mahistrado, kahapon.
Isinawalat ni Jardeleza sa House Justice Committee ang dahilan kung bakit hinarang noon ni Sereno ang kanyang pagkakasama sa shortlist ng mga nominado na papalit noon kay retired Associate Justice Antonio Abad.
Ayon kay Jardeleza, may kinalaman ito sa kanyang “diskarte” bilang Solicitor-General sa pagdala ng kaso ng Pilipinas sa United Nations Arbitration sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ni Jardeleza, ginamit ni Sereno ang desisyon niya kaugnay sa Itu-Aba Island para kwestyunin ang kanyang integridad at akusahan siyang ‘hudas sa bayan’.
—-