Inaresto ang 43 taong gulang na pulis sa California sa kasong pagpatay.
Sa isang press conference, sinabi ng hepe ng pulisya na si Stanley Mcfadden, nasa kustodiya na pulisya ang inaarestong si Wesley Brownlee.
Limang lalaki ang nasawi sa isang lugar sa stockton noong July 8 hanggang September 27 habang isa pa ang natagpuang patay sa Oakland noong Abril taong 2021. Ang mga biktima ay nasa edad mula 21 hanggang 54 habang isang babae naman ang nakaligtas sa pamamaril na pinaniniwalaang si Brownlee ang may kagagawan.
Ayon kay San Joaquin County District Atty. Tori Verber Salazar, inaasahang haharap sa Korte si Brownlee sa Martes para alamin ang mga kasong ipapataw sa suspek.
Sinisikap naman ng mga imbestigador na alamin ang posibleng motibo sa pamamaslang.–-mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon