Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng magresulta sa pagkamatay o hospitalization ng isang indibidwal ang serious adverse events ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Vergeire, nakapagtala na ang Pilipinas ng 30 bilang ng nakararanas ng serious Adverse Events Following Immunization (AEFI).
Sinabi ni Vergeire na maari ding magkaroon ang isang indibidwal ng significant disability o incapacity.
Nilinaw naman ni Vergeire na sakaling masawi ang isang indibidwal dahilan ng aksidente o pagkakabangga ng sasakyan pagkatapos mabakunahan, ito ay maituturing pa rin na AEFI pero hindi dahil sa bakuna. -sa panulat ni Angelica Doctolero