Hinihintay pa ng tinatayang 600 na mga business establishments sa bansa ang safety seal certificate na ini-isyu ng Department of Trade and Industry (DTI) para muli silang magbalik-operasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang naturang bilang ng mga naghihintay pa ng safety seal ay kasalukuyan pang gumugulong at kailangan pang ma-inspeksyon kung tunay bang sumusunod sa mga health protocols.
Paliwanag pa ni Lopez na maaari namang magsagawa ng self-assesment ang isang establisyimento kung sila ba’y compliant sa safety standards sa pamamagitan ng safety seal microsite.
Matapos nito, ay pwede na silang magpa-inspect sa ahensya.
Mababatid na sang-ayon sa kautusang pirmado ng DTI, labor department, health department, at iba pang kinauukulang ahensya ay kinakailangang mag-apply ng mga private business establishments at ilang pang mga tanggapan ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa virus na bibisita sa mga nabanggit na lugar.