Asahan pa ang manipis na supply ng tubig ng mga customer ng Maynilad.
Ito’y dahil magtatagal pa hanggang Abril a –1 ang nararanasang off-peak water service interruptions sa ilang bahagi ng Luzon.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Obando, Bulacan; mga lungsod ng Parañaque, Makati, Valenzuela, Pasay, Navotas, Maynila, Caloocan, Malabon at Quezon.
Nagsisimula ang service interruptions tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Layunin ng interruption na ma-isaayos ang supply ng tubig mula sa mga dam sa gitna ng mataas na demand ngayong tag-init.
Sa datos ng PAGASA, nananatili sa ilalim ng normal hanggang high ang lebel ng tubig sa mga dam sa bansa.